IBONG ADARNA.. da movie Ata?
Linggo, Hulyo 3, 2011
si kuneho at si pagong
Isa na namang kwento na kwenento samin ng teacher ko nung grade 4. Rakenrol!
Ito yung isa( si matsing at si pagong) [link]
Ang kwento…
Ang Kuneho at ang Pagong
noong unang panaho may isang prinsesa na isinumpa ng isang Witch, na walang sino mang lalake ang iibig sakanya. Pero wala syang kinalaman sa kwento kasi nga Ang kuneho at ang Pagong ang taytel nito. Obyoos naman na walang prinsesa dun. So next page.
*drumroll*
I sang araw habang busy sa kakatext si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong na busy ring sa kauupdate ng status sa cellpone. Palibhasa makupad maglakad si pagong kaya pinagtawanan ito ni kuneho at nilibak. kasi trip nya ring atang maging kontrabida sa storya tulad ni matsing na sugapa sa saging.
"Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, para kang sistema ng Pilipinas wala kang mararating niyan." At sinundan iyon ng kontrabidang tawa na dinig hanggang sa Neptune. Tapos biglang nag ‘puase at tumingin sa cellpone. * oi maynagtext! Tapos tumawa ulit. Bwahahaha..
Labis na nainsulto si Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Para patunayan na nagkakamali ito ng akala ay hinamon nya ang Kuneho at doon din ay nag log-out kaagad sya sa peysbuk.
"Maaaring maiiksi nga ang mga paa ko at mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko,at magaling ako magluto ng kerekare hindi mo ako matatalo."
Lalo lamang siyang pinagtawanan. "pagbiglabigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka lamang," wika ni Kuneho habang busy sa kakabasa ng mga inbox.
"Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa tuktok ng bulubunduking iyon." Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok. Tinanung ulit sya ni Kuneho kasi hindi nya masyado naintindihan kasi busy pa din sa cellpone. ” Aling bundok? Yang bundok sa may tapat ng starbucks na pagitan ng Jollibee at mcdo, pang apat na bundok mula sa puting bahay na may pulang bubong na may katabing puno ng Acasia at may yellowgreen na aso sa may bakuran.?? Yun ba??” “ hindi yan, shongak! Yang bundok sa may gilid ng pasugalan ni mayor.” Sagot ng tsimosang Manok na napadaan lang, at pa kendingkending na lumayo. Na gets na rin ata ni Kuneho kung aling bundok. so
Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni Pagong. Nagtwitt pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera. Gusto niya pa yatang lalong libakin si Pagong sa harap ng kanyang mga kaibigan, mga friends sa friendster, sa peysbuk, sa eskwela at barangay. sa oras na matalo niya ito.
Nakapaligid dun sa lugar ang kanikanilang mga kaibigang hayop at mga usyoserong mga palaka. Andun rin si Tsimosang Manok na tumigil muna sa pagmamadyong para manuod ng laban.
“SENGKWENTANG ITLOG ANG PUSTA KO KAY KUNEHO!!” sigaw ulit ng Tsimosang manok
“ COL!” sagot naman ni daga sabay high five sa kaibigang maya. Yow men!
Matapos ang ilang undercard match ay tinawag na yung dalawang main event na sina pagong at kuneho. Syempre mayprogram muna bagu magumpisa yung karera. Nag speech muna si mayor ipis, at pagkatapos ay namigay ng mga relief goods. Galling daw sa kanyang kabutihang loob, at syempre tuwang tuwa naman yung mga hayop sa suhol ng mayor. “ wala kang katulad mayor” ,”napakabuti mong tao este hayop pala” sigaw naman ng iba. At nag fireworks display pa pala. At pagkatapos ay nagpa-epal si Matsing pumunta sya sa gitna ng pagtitipon at nag-ala Micheal Buffer na boses. Lininis nya muna ang lalamunan at sumigaw ng “*ehem..* AR YOO REDI TO RAMBUuOOLLL!!!!” at lumabas na nga sina pagong at Kuneho. Pero hindi pa din sila nag karera kasi kumanta muna si Charice Pempenco ng Pambansang awit at nagplug ng album.
Si Matsing rin ang nagbilang para sa pag-uumpisa ng paligsahan.
"Handa na ba kayo?".
Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na kami!".
" okay...One..two..?????", napatigil muna si matsing at tumingin sa itaas na parang may hinahanap sa mga hugis ng ulap. Sinitsitan nya si daga at pinapalapit nya ito sa kanya, lumapit naman agad si daga. “ anu ba yung sunod sa two?” bulong ni Matsing kay daga. Napakamot naman ng ulo si daga “ pangcollage naman yang tanong mo sakin, e’ hayskul gradweyt lang ako” kayat tinawag naman nila ngayon si kaibigang maya na hindi rin alam ang sagot. So tinawag nya rin si gagamba. Sumagot naman ito ng “ 78%”, pero agad naman itong kinontra ni matsing kasi ang ‘78% raw ay kasunod ng 82 4/6. Sigurado daw dito si Matsing Kayat malabo raw na ito yung sunod sa two. Hanngang sa napagtanungan nila si Batman. Alam nilang tama ang isasagot nya kasi magaling itong mag-english. “ the answer is three” sagot ni Batman sa malamig na boses. At dahil nga alam na ni Matsing ang sunod sa two ay nagumpisa ulit syang magbilang.. “ ONE, TWO ,THREE, GOOO!!! ”
Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumopisahan. Mabilis na nagpalundag-lundag si Kuneho habang pakanta kanta ng mga april boy regino hits. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na siya sa paanan ng bundok. Ng lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang agwat niya kay pagong. Kayat naisipan nya munang tumuloy sa isang computer shop, nag half hour lang ata si kuneho sa paglalaro ng dota. Sa kabilang banda.Patuloy parin sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang pinagtatawanan siya ng mga nakapaligid na hayop. Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga ito at syempre alam naman nating sya ang bida sa kwento. Kayat kampante ito na sya rin lang ang mananalo bandang huli. May nakita ka na bang bidang natalo mula sa kalaban? Natalo na ba ni Pakito Diaz si FPJ sa suntokan at barilan? Hindi pa, kaya’t alam nya na sya rin ang magwawagi. Kaya’t patuloy siya sa slow motion na paglakad, walang lingun-lingon..
Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si pagong sa kanyang likuran. Ilang ulit siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong. Kaya’t naisipan nya na namang manuod muna ng DVD ‘the Babalu best comedy films’. Pero wala paring anino ni Pagong. Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan tumakbo ng mabilis, ipinasya niyang maidlip muna ng makarating siya sa kalagitnaan ng bundok. Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo. In da ader hand, patuloy naman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa marating niya ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na mahimbing na natutulog at malakas na naghihilik at naka thumbs suck pa AT NANAGINIP TUNGKOL SA MGA CARROTS NA LUMILIPAD AT NAHUHULOG SA LANGIT!. nilapitan muna sya sandali ni Pagong, kasi hindi nya mapigilan ang kayang sarili sa ka kyutan ni kuneho habang natutulog. Sabay buga ng hangin sa ere’ TSK! Nilampasan niya na ito at nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang hangganan ng kanilang karera. Dun sa bundok na tapat ng starbucks na pagitan ng Jollibee at mcdo, pang apat na bundok mula sa puting bahay na may pulang bubong na may katabing puno ng Acasia at may yellowgreen na aso sa bakuran, at take note, tabi ng pasugalan ni mayor.( sigaw sakin ni manok!) Ng magising naman si kuneho kasi natapos na yung panaginip nya tungkol sa mga serenang kumakanta tungkol sa paggawa ng barko na parang inaakit si kuneho, ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi pa din makita si pagong. “ hopeless ka pagong” wika nito habang nakatingin sya sa kanyang dinaanan. Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang pagka shock niya ng matanaw si pagong na naroroon na sa tuktok ng bundok. Pasayaw sayaw, at kumakanta ng “ para sayo ang laban na to!” at nang Makita nya si kuneho sa ibaba ng bundok na gulat na gulat parin sa mga nangyari, “ hey Kuneho buddy! I got two words for yaa!” sabay ‘suck it!’ ni pagong kay kuneho na parang myembro sya ng DX.
Naunahan na pala siya ni pagong
The end…
EPILOG
Nang matapos ang karera ay labis na humanga ang mga hayop kay Pagong. Sumikat sya at inidolo ng lahat dahil sa kanyang hanep na kahayupang payting isperit. Hanggang sa nagging artista ito,dumami ang mga indorsement, pelikula at mangingilang Best actor awards. Tapos naisipang pumasok sa politico. Sa kabutihang palad ay natalo nya si Ipis bilang pagka mayor by a landslide. Habang si kuneho naman ay labis na nalungkot sa mga pangyayari. Trip nya na lang maglaro ng madyong kasama si Matsing at Manok, na talo rin sa pustahan. Pinaunlad ng bagung mayor na si pagong, ang kanilang bayan, at nakapag-asawa sya ng isang prinsesa na isinumpa ng isang Witch, na walang sino mang lalake ang iibig ditto. Kaya’t si pagong ang nagustuhan ng prinsesa. ( at ngayon ay meron na syang kinalaman sa kwento). And they lived happily just for now forever.
gayd kwestyons por kritikal analeesis:
1. in da pirst pleys, naniniwala ba kayong nakapagsasalita ang mga pagong, kuneho, matsing, ipis, manok, daga, maya, gagamba at palaka? nakakita ka na ba ng pagong at kuneho na nagkakarera?
2. Bakit ang galing galing mag-englis ni Batman? Ang galing mangarate? Malupet ang gadgets ? Ang ganda ng custume, umuombok ang dibdib pero di parin bakat ang utong?
3. Tro or pols: ang sunod sa 78% ay 82 4/6? Show your solutions. In the back of your paper.
4. Magbigay ng halimbawa kung panu makakatulong ang kwentong nabangit sa pagpapaunlad ng ating bansa? Salangguhitan lahat ng trip mong salangguhitan
5. Bakit ba may mga ipis? Bakit may ipis sa mundo? Bakit ginawa ng Diyos ang surot, langaw, kuto, pulgas,daga at tungaw? Anu ang gamit nila? Bakit ba kailangan magkaroon sa mundo ng hayop na nanngngagat ng pwet? May kinalaman ba to’ sa balance nature? Masyado na bang marami ang pwet sa mundo kaya kailangan itong pakuntiin ng mga surot?
6. interesanteng isipin na twing sinusulat ko ang salitang “ ipis” e’ “isip” ang natatype ko sa keyboard. Dahil kaya ISIP-IPIS ako?
7. Bukod kay Shawn Micheal at Triple H, sino pa ang alam mong gumagawa ng ‘suck it move’? patay na ba talaga si Undertaker?
8. Bakit Daming politikong matigas ang mukha.tuwing eleksyon panu nila nakukuhang paulit ulit na magkabit ng posters s mga gumigewanggewang na barungbarung na nakatirik sa baku-bakung kalye? “ iboto nyo ulet ako kahit na isang melinyo na akong Mayor at wala pa rin akong pagbabagung nagagawa sa aking nasasakupan.” At bakit paulit-ulit parin natin silang binoboto?
9. Kumakanta Karin ba ng mga April Boy Regino Top Hits? O nanunuod ng Babalu Greatest Comedy Films? Sa aking opinyon mas bagay sigurong tawaging comedy king si babalu kaysa kay dolphy, dahil sa mas nakakatawa at di hamak na nakakaentertain ito kaysa kay dolphy’ng baduy. Aprob ka ba sa sinabi ko o hindi?
10. Napansin mo rin bang walang kwenta ang description na ito?
[link] pa like naman mga chong, magkakalat din ng kabobohan sa peysbuk. Rakenrol! ( invite nyo narin yung friends nyo’ng walang kamuwanmuwang sa peysbuk na ilke yung page.NAKIKIUSAP AKO KAILANGAN KO YUN.. salamat)
Iba pang pinoy scene: [link]
( school bloopers at kwentong chalk)
my works that pictures about the Philippine Old rural life here: [link] ,
Mga tagpong, nagpapakadeep, kunyari in-love,sarap sapakin! : [link]
Tools : pscs5 + mouse+

Biyernes, Hulyo 1, 2011
IBONG ADARNA da movie ATA?
Gawa ng malabong idea at kakarampoy na talent
Wala nakaisip ulit ng bagung kwentong pinoy na gawing parang animation o isang graphic novel. (ata??) pero ngayon medyo iba, medyo fastforward lang.hindi na muna pang elementary’ng kwento. Kasi puro si pagong lang ang bida dun e’. yung kwentong tinuro naman samin nung First year hayskul, ang Ibong Adarna. At medyo ginawan ko ulit ng sarili kong bersyon yung storya. Pagtyagaan nyo na lang, pasensya na..
Ang ibong adarna ( da mukhang ewan bersyon)
Chapter 1: da walang kwenta chapter
Noo'y may isang kahariang tinatawag na Berbanya. Ito'y pinamumunuan ni Haring Fernando at Reyna Valeriana kasama ng kanilang tatlong anak na sina Don Pedro, ang panganay, Don Diego, ang pangalawa at Don Juan, ang bunso na pawang mga prinsipe ng nasabing kaharian. At tulad nga ng maraming hari na walang ibang papel sa kwento kundi ang magkasakit, e yun nga at nagkasakit si Haring Fernando. Ipinayo ng doctor nya, na ang tanging kanta lamang ng Ibong Adarna na matatagpuan sa Bundok Tabor ang siyang makapagpapagaling sa sakit ng hari. Nung minasang nagpacheck-up sila sa St. Luke’s.
Chapter 2 : si Don Pedro patungong Bundok Tabor kung saan makikita ang Piedras Platas punong tirahan ng ibong Adarna
Kaya’t nagpapogi naman itong si Don Pedro ang panganay na anak ng hari, na sya ang magdadala ng Ibong Adarna sa Berbanya. Pa-pogi points pa ata para sya ang maging sunsunod na hari. At naglakabay nga si Don Pedro patungong Bundok Tabor kung saan makikita ang Piedras Platas punong tirahan ng ibong Adarna. At nang marating nya nga ang Bundok Tabor kung saan makikita ang Piedras Platas punong tirahan ng ibong Adarna na paulit-ulit ko nang sinabi. (baka kasi makalimutan nyo)..
“Natanaw ko na ang Piedras Platas… Ang ganda
ng kapaligiran lalong-lalo na ang punongkahoy na ginto…” wika ni Don Pedro habang naglalakad sa may paanan ng puno. Napaupo si Don Pedro dahil sa sobrang pagod sa paglalakbay, at nagpicture-picture muna sa may puno dahil nga sa ganda ng paligid nito. Ilang minuto lang ay dumating na nga ang ibong Adarna at nagsimula na ring kumanta ” noting gana change my lab por you, you know naman may lab haw mats I lab you, deworld mey change my whole layp tru but nating sgona change nay lab por you..” sa kasamaang palad ay naka-tulog si Don Pedro sa awit ng Ibong Adarna. Hindi na sya nakapag-request pa ng kanta sa ibon, dahil sa iniputan sya nito. At naging matigas na bato si Don Pedro.

At nabigo nga si Don Pedro sa kanyang misyon, syempre wala na kasing thrill kapag nagtagumpay agad sya, magtatapos kaagad ang kwento at magiging extra lang si Don Diego at Don Juan. Kaya’t hindi talaga yun pwedeng mangyari. At dahil nga sa kainipan sa paghihintay kay Don Pedro, e’ si Don Diego naman ang napagtripang utusan ng hari para dalhin sakanya ang Ibong Adarna. Gusto nya pa raw magcelebrate ng kanyang 89th birthday at ng kanilang Golden Anniversary. “ hindi ko po kayo bibiguin daddy” kampanteng sagot ni Don Diego. At naglakbay na para hanapin ang mahiwagang ibon.
Chapter 3: hit me baby one more time
Inabot ng limang buwan, tatlong linngo, apat na araw, at sampung minuto bagu mag alas singko, bagu narrating ni Don Diego ang Piedras Platas. Syempre dumaan din sya sa hirap bagu makarating dito.
“Ano bang laking hiwaga, punong ganda’y nakakaakit sa mata!… Lumalalim na ang gabi, ako’y mamahinga muna” at nang lumapit na sya sa puno ay bigla nya ngang nakita si Don Pedro na isa na ngayong matigas na natutulog na bato. “ anu ito?!! Don Pedro?!!, panung,? Hindi ito’?!! mas lalo ka pang pumanget nung naging bato ka” sabay tawa. Sinusungay sungayan nya ang ulo nito tulad ng sa mga picture taking, at kinokutungan sa tengga. Inihian nya rin ang bato’ng kapatid at “ o’ anu ka ngayon mokong? Kala mo ikaw ang susunod na magiging hari no?. tawa ulit. “ palagi mo akong ginugulangan dati, kasi ikaw ang matanda, ngayong ako ang susunod na hari ikaw naman ngayon ang gugulangan ko.” Tawa ulit, at isa pang tawa, at tawa na naman. “ kung magkakape tayo, sa akin naman ang may creamer at sayo na ngayon ang wala. At syempre dahil sa ako na ngayon ang hari mas marami na akong chikababes sayo, kung magkaganun hehe”
Mayamaya ay dumating na ang Ibong Adarna at agad agad na kumanta. “ teka lang mahiwagang ibon, pwede pa-request??” tanong ng Prensipe sa lumilipad na hayop. “ ito singko, gusto ko yung Hit Me Baby One More Time, ni Britney” at ganun din nga yung kinanta ng oto otong ibon, at iniputan si Don Dieigo habang sumasayaw sa kanta ng Ibong Adarna. At nagpahabol ang Ibon’ “ OOoops I didet agen ”. Yun nga nagging bato yung prinsipe.
Chapter 4: si Don Juan, ang Ibong Adarna, si Justin Bieber at ang ermetanyong walang pangtext
Sa silid ng amang hari.”Mahal ko, masama ang kutob ko sa nangyayari kina Don Pedro’t Don Diego. Ano
ba ang dapat gawin natin? OMG!!”. Pag-aalala ni Reyna Valeriana. Napatingin ang hari sa bunsong anak, “Anak, ikaw nalang ang aking pag-asang ako’y gumaling na, sa pamamagitan ng paghahanap sa mahiwagang Ibong Adarna” pagmamaka-awa ng hari. “: Ama, gagawin ko po ang aking makakaya…
Paalam po sa inyo.” Sagot ni Don Juan, na parang ewan lang ang iskrip at umalis na na walang anu-ano.

Sa kagubatan, sa paglalakbay nang bunsong anak ng hari. Nakasalubong nito ng matandang ermetanyo, na gutom at naghahanap ng may extra load para magpapasa. “ pare, may pagkain ka ba dyan at kung pwede e’ magpapasa load na rin” tinulungan naman sya ni Don Juan binigyan ng tinapay at tinanong anu ang number ng ermetanyo. “ 09194545764, yan ang number ko 2 lang naman ang kailangan ko para makapag-unli ”. at agad naman itong pinasahan ng load ni Don Juan. “ Salamat sa tulong mo, ano ba ang aking ipaglilingkod sa iyo bilang gantimpala sa iyong kabaitan?” tanong ng Ermetanyo sa paos na boses habang nagttxt. “ papunta po ako sa Piedras Platas para hlihin ang Ibong Adarna, para sa aking may sakit na amang hari.” Sagot naman ni Don Juan. Pinayohan naman si Don Juan ng matandang ermetanyo tungkol sa mahiwagang ibon. “ dapat kang mag-ingat sa Ibong Adarna. Kailangan mong maglaslas ng kutsilyo sa iyong bisig at patakan ng katas ng kalamansi,pero wag mong gawing one sided ang buhok mo para hindi ka mapagkamalang emo, ito ay para malabanan ang antok na dulot ng boses ng mahiwagang ibonn na iyon.” abot ng kalamansi na kulay lavander. Napatanong ang prinsipe kung bakit lavender ang kalamansing bigay nito. “ kasi istayl!!, ahm… at kailangan mo rin ng mahiwagang tubig na ito, para maibalik sa dati ang mga taong nagging bato dahil sa ipot ng Ibong Adarna.” Pagkatapos magpasalamat ni Don Juan, ay bigla na lang nawala ang matanda. Tinago nya ang mga binigay nito.” hmM. Istayl”
At nung marating ng bunsong prinsipe ang lugar, nakita nya nga ang dalawa nyang kapatid na ngayon ay bato na at nakapose parang artista. Nagsimula na ring kumanta ang Ibong Adarna, kayat sinunod nya ang payo ng ermetanyo. Ginilitan nya ang kanyang braso, at pinigaan ng kalamansi ang sugat, teyk note- hindi sya EMO, kasi nakakairita ang buhok nila. Pasing-along sing-along lang ang ibon “ay know you lab me, I know you keer. Beybe beybe beybe oh”. Pero mas lalo lang nagalit si don Juan dahil sa kanta ni Justin Bieber, ayaw nya ditto kasi nga parang bading. Minabuti nya na lang hulihin ang Ibong Adarna nang sa ganuon ay matigil na ang pag beybe beybe beybe nito.
Nahuli nya nga ang ibon, at nilagay sa isang hawla. Binuhusan nya rin ang kanyang mga kapatid ng mahiwagang tubig para bumalik ito mula sa pagiging bato. Pinayuhan nya si Don Pedro na maligo muna sa sapa kasi mapanghe parin ito, amoy ihi raw sabi ni Don Diego. Oows.
Chapter 5: ang huling chapter na nakakatamad na sinulat
At dahil sa ang habahaba na ng kwento ko, tinatamad na rin akong magtype. Eh’ ipa-pafastforward na natin. Nag malapit na sila sa Berbanya, naka-isip si Don Pedro’t Don Diego na ihulog si Don Juan sa isang balon at kunin sakanya ang Ibong adarna. Kay Don Pedro ang Korono, at kay don Diego naman ang mga Chickababes na panggarap nito. At nang magtagumpay na nga ang plano, eh’ pumunta na sila sa Berbanya.
Ngunit pagdating nila sa kanilang kaharian eh’ hindi nila mapakanta ang Ibong Adarna. Kaya’t hindi pa din napapagaling ang hari. Napag-alaman na hindi pala kumakanta ang ibon kung hindi ito inutusan ng sino mang nakahuli sa kanya, at hindi rin kaya ni Don Pedro ang T.F nito. Sa hindi ko malamang kadahilanan ay naka-akyat si Don Juan sa balon,siguro dahil sa sya ang bida kaya’t nakaligtas pa rin ito. Sumunod agad sya papunta ng Berbanya. Sumakay sya sa LRT, para mapadali ang paglalakbay.
Pagdating ni Don Juan ay inutusan nya kaagad ang Ibong Adarna na kumanta. At walangtanong namang itong sumang-ayon. “ layk a Virgen, tats por the bery pers taym” dalidali ay gumaling na rin ang hari at nakiduet pa sa ibon. Nagpasalamat ang amang hari kay Don Juan, dahil sa ginawa nitong kabutihan. At nagging magandang babae naman ang Ibong Adarna sa hindo ko malaman na dahilan. Na lab at pers sayt sila ni Don Juan at agad agad din na nagpakasal. Nagging hari ng berbanya si Don Juan, at nagcelebrate na nga ng kanyang 89th birthday si Haring Ferando. Samantalang si Don Pedro’t Don Diego naman ay nasa Berbanya pa din, kasi pinatawad din sila nina Haring Fernando. Pero pasiretong nagplaplano sila kung paano nila pababagsakin si Don Juan., ( shhhhh.) at dyan na nga nagtatapos ang aking bersyon ng Ibong Adarnang hindi ko lubus maisip kung anong ewan lang na kwenento.
The end
Chapter 6: pahabol ng mga karakter na hindi nabangit sa kwento ( nakakatamad na raw kasi)
Donya Maria Blanca: potik naman oh’ hindi ako yung pinaksalan ni Don Juan. Bitin yung istorya
Donya Leonora: haha. Bitter ka lang. okay nga yun eh’ hindi ako nakasal kay Don Pedro
Donya Juana: ako din hindi nakasal! Salamat!!
Haring Salermo: no koment
Higante ( bumihag kay donya Juana) : ayos to! Wala ako sa kwento, hindi ako magmumukang kontrabida at Hindi ako mamatay.
Serpyenteng may pitong Ulo ( bumihag kay Donya Leonora) : RAKENROL!! Parehas tayo!
Ibong Adarna is an anonymous Filipino epic on the eponymous magical bird. The title's longer form during the Spanish Era was "Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlóng Prinsipeng anak nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania" (Filipino for "Corrido and Life Lived by the Three Princes, children of King Fernando and Queen Valeriana in the Kingdom of Berbania").
some references; kinas ( for the tree,) and to LittleBitzOfArt ( for the prince like wardrobe)
http://www.facebook.com/pages/Guhitkwentokulay/199527163424053 samahan nyo ang kabobohan ko sa peysbuk! At palike na rin sa iba nyong friends dun.
Mga tula ,sulat at maiikling kwento http://mattersmost.deviantart.com/gallery/30236256
( mag letra)
Mga tagpong, nagpapakadeep, kunyari in-love,sarap : sapakin!: http://mattersmost.deviantart.com/gallery/29116662
(love scene ekek)
tools = pcsc5 + mouse
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)