Biyernes, Hulyo 1, 2011

IBONG ADARNA da movie ATA?

Gawa ng malabong idea at kakarampoy na talent

Wala nakaisip ulit ng bagung kwentong pinoy na gawing parang animation o isang graphic novel. (ata??) pero ngayon medyo iba, medyo fastforward lang.hindi na muna pang elementary’ng kwento. Kasi puro si pagong lang ang bida dun e’. yung kwentong tinuro naman samin nung First year hayskul, ang Ibong Adarna. At medyo ginawan ko ulit ng sarili kong bersyon yung storya. Pagtyagaan nyo na lang, pasensya na..

Ang ibong adarna ( da mukhang ewan bersyon)

Chapter 1: da walang kwenta chapter

Noo'y may isang kahariang tinatawag na Berbanya. Ito'y pinamumunuan ni Haring Fernando at Reyna Valeriana kasama ng kanilang tatlong anak na sina Don Pedro, ang panganay, Don Diego, ang pangalawa at Don Juan, ang bunso na pawang mga prinsipe ng nasabing kaharian. At tulad nga ng maraming hari na walang ibang papel sa kwento kundi ang magkasakit, e yun nga at nagkasakit si Haring Fernando.  Ipinayo ng doctor nya, na ang tanging kanta lamang ng Ibong Adarna na matatagpuan sa Bundok Tabor ang siyang makapagpapagaling sa sakit ng hari. Nung minasang nagpacheck-up sila sa St. Luke’s.
Chapter 2 : si Don Pedro  patungong  Bundok Tabor kung saan makikita ang Piedras Platas punong tirahan ng ibong Adarna
Kaya’t nagpapogi naman itong si Don Pedro ang panganay na anak ng hari, na sya ang magdadala ng Ibong Adarna sa Berbanya. Pa-pogi points pa ata para sya ang maging sunsunod na hari. At naglakabay nga si Don Pedro  patungong  Bundok Tabor kung saan makikita ang Piedras Platas punong tirahan ng ibong Adarna. At nang marating nya nga ang Bundok Tabor kung saan makikita ang Piedras Platas punong tirahan ng ibong Adarna na paulit-ulit ko nang sinabi. (baka kasi makalimutan nyo)..

“Natanaw ko na ang Piedras Platas… Ang ganda
ng kapaligiran lalong-lalo na ang punongkahoy na ginto…” wika ni Don Pedro habang naglalakad sa may paanan ng puno. Napaupo si Don Pedro dahil sa sobrang pagod sa paglalakbay, at nagpicture-picture muna sa may puno dahil nga sa ganda ng paligid nito.
Ilang minuto lang ay dumating na nga ang ibong Adarna at nagsimula na ring kumanta ” noting gana change my lab por you, you know naman may lab haw mats I lab you, deworld mey change my whole layp tru but nating sgona change nay lab por you..”  sa kasamaang palad  ay naka-tulog si Don Pedro sa awit ng Ibong Adarna. Hindi na sya nakapag-request pa ng kanta sa ibon, dahil sa iniputan sya nito. At naging matigas na bato si Don Pedro.

At nabigo nga si Don Pedro sa kanyang misyon, syempre wala na kasing thrill kapag nagtagumpay agad sya, magtatapos kaagad ang kwento at magiging extra lang si Don Diego at Don Juan. Kaya’t hindi talaga yun pwedeng mangyari. At dahil nga sa kainipan sa paghihintay kay Don Pedro, e’ si Don Diego naman ang napagtripang utusan ng hari para dalhin sakanya ang Ibong Adarna. Gusto nya pa raw magcelebrate ng kanyang 89th birthday at ng kanilang Golden Anniversary.  hindi ko po kayo bibiguin daddy” kampanteng sagot ni Don Diego. At naglakbay na para hanapin ang mahiwagang ibon.

Chapter 3: hit me baby one more time

Inabot ng limang buwan, tatlong linngo, apat na araw, at sampung minuto bagu mag alas singko, bagu narrating ni Don Diego ang Piedras Platas. Syempre dumaan din sya sa hirap bagu makarating dito.
“Ano bang laking hiwaga, punong ganda’y nakakaakit sa mata!… Lumalalim na ang gabi, ako’y mamahinga muna”  at nang lumapit na sya sa puno ay bigla nya ngang nakita si Don Pedro na isa na ngayong matigas na natutulog na bato. “ anu ito?!! Don Pedro?!!, panung,? Hindi ito’?!!  mas lalo ka pang pumanget nung naging bato ka” sabay tawa. Sinusungay sungayan nya ang ulo nito tulad ng sa mga picture taking, at kinokutungan sa tengga. Inihian nya rin ang bato’ng kapatid at “ o’ anu ka ngayon mokong? Kala mo ikaw ang susunod na magiging hari no?. tawa ulit. “ palagi mo akong ginugulangan dati, kasi ikaw ang matanda, ngayong ako ang susunod na hari ikaw naman ngayon ang gugulangan ko.” Tawa ulit, at isa pang tawa, at tawa na naman. “ kung magkakape tayo, sa akin naman ang may creamer at sayo na ngayon ang wala. At syempre dahil sa ako na ngayon ang hari mas marami na akong chikababes sayo, kung magkaganun hehe”

Mayamaya ay dumating na ang Ibong Adarna at agad agad na kumanta. “ teka lang mahiwagang ibon, pwede pa-request??”  tanong ng Prensipe sa lumilipad na hayop. “ ito singko, gusto ko yung Hit Me Baby One More Time, ni Britney” at ganun din nga yung kinanta ng oto otong ibon, at iniputan si Don Dieigo habang sumasayaw sa kanta ng Ibong Adarna. At nagpahabol ang Ibon’ “ OOoops I didet agen ”.  Yun nga nagging bato yung prinsipe.


Chapter 4: si Don Juan, ang Ibong Adarna, si Justin Bieber at ang ermetanyong walang pangtext

Sa silid ng amang hari.”Mahal ko, masama ang kutob ko sa nangyayari kina Don Pedro’t Don Diego. Ano
ba ang dapat gawin natin? OMG!!”. Pag-aalala ni Reyna Valeriana. Napatingin ang hari sa bunsong anak, “Anak, ikaw nalang ang aking pag-asang ako’y gumaling na, sa pamamagitan ng paghahanap sa mahiwagang Ibong Adarna” pagmamaka-awa ng hari. “: Ama, gagawin ko po ang aking makakaya…
Paalam po sa inyo.” Sagot ni Don Juan, na parang ewan lang ang iskrip at umalis na na walang anu-ano.

Sa kagubatan, sa paglalakbay nang bunsong anak ng hari. Nakasalubong nito ng matandang ermetanyo, na gutom at naghahanap ng may extra load para magpapasa. “ pare, may pagkain ka ba dyan at kung pwede e’ magpapasa load na rin” tinulungan naman sya ni Don Juan binigyan ng tinapay at tinanong anu ang number ng ermetanyo. “ 09194545764, yan ang number ko 2 lang naman ang kailangan ko para makapag-unli ”. at agad naman itong pinasahan ng load ni Don Juan. “ Salamat sa tulong mo, ano ba ang aking ipaglilingkod sa iyo bilang gantimpala sa iyong kabaitan?” tanong ng Ermetanyo sa paos na boses habang nagttxt. “ papunta po ako sa Piedras Platas para hlihin ang Ibong Adarna, para sa aking may sakit na amang hari.” Sagot naman ni Don Juan. Pinayohan naman si Don Juan ng matandang ermetanyo tungkol sa mahiwagang ibon. “ dapat kang mag-ingat sa Ibong Adarna. Kailangan mong maglaslas  ng kutsilyo sa iyong bisig at patakan ng katas ng kalamansi,pero wag mong gawing one sided ang buhok mo para hindi ka mapagkamalang emo, ito ay para malabanan ang antok na dulot ng boses ng mahiwagang ibonn na iyon.” abot ng kalamansi na kulay lavander. Napatanong ang prinsipe kung bakit lavender ang kalamansing bigay nito. “ kasi istayl!!, ahm… at kailangan mo rin ng mahiwagang tubig na ito, para maibalik sa dati ang mga taong nagging bato dahil sa ipot ng Ibong Adarna.” Pagkatapos magpasalamat ni Don Juan, ay bigla na lang nawala ang matanda. Tinago nya ang mga binigay nito.” hmM. Istayl

At nung marating ng bunsong prinsipe ang lugar, nakita nya nga ang dalawa nyang kapatid na ngayon ay bato na at nakapose parang artista. Nagsimula na ring kumanta ang Ibong Adarna, kayat sinunod nya ang payo ng ermetanyo. Ginilitan nya ang kanyang braso, at pinigaan ng kalamansi ang sugat, teyk note- hindi sya EMO, kasi nakakairita ang buhok nila. Pasing-along sing-along lang ang ibon “ay know you lab me, I know you keer. Beybe beybe beybe oh”. Pero mas lalo lang nagalit si don Juan dahil sa kanta ni Justin Bieber, ayaw nya ditto kasi nga parang bading. Minabuti nya na lang hulihin ang Ibong Adarna nang sa ganuon ay matigil na ang pag beybe beybe beybe nito.

Nahuli nya nga ang ibon, at nilagay sa isang hawla. Binuhusan nya rin ang kanyang mga kapatid ng mahiwagang tubig para bumalik ito mula sa pagiging bato. Pinayuhan nya si Don Pedro na maligo muna sa sapa kasi mapanghe parin ito, amoy ihi raw sabi ni Don Diego. Oows.


Chapter 5: ang huling chapter na nakakatamad na sinulat

At dahil sa ang habahaba na ng kwento ko, tinatamad na rin akong magtype. Eh’  ipa-pafastforward  na natin. Nag malapit na sila sa Berbanya, naka-isip si Don Pedro’t Don Diego na ihulog si Don Juan sa isang balon at kunin sakanya ang Ibong adarna. Kay Don Pedro ang Korono, at kay don Diego naman ang mga Chickababes na panggarap nito. At nang magtagumpay na nga ang plano, eh’ pumunta na sila sa Berbanya.

Ngunit pagdating nila sa kanilang kaharian eh’ hindi nila mapakanta ang Ibong Adarna. Kaya’t hindi pa din napapagaling ang hari. Napag-alaman na hindi pala kumakanta ang ibon kung hindi ito inutusan ng sino mang nakahuli sa kanya, at hindi rin kaya ni Don Pedro ang T.F nito. Sa hindi ko malamang kadahilanan ay naka-akyat si Don Juan sa balon,siguro dahil sa sya ang bida kaya’t nakaligtas pa rin ito. Sumunod agad sya papunta ng Berbanya. Sumakay sya sa LRT, para mapadali ang paglalakbay.

Pagdating ni Don Juan ay inutusan nya kaagad ang Ibong Adarna na kumanta. At walangtanong namang itong sumang-ayon. “ layk a Virgen, tats por the bery pers taym” dalidali ay gumaling na rin ang hari at nakiduet pa sa ibon. Nagpasalamat ang amang hari kay Don Juan, dahil sa ginawa nitong kabutihan. At nagging magandang babae naman ang Ibong Adarna sa hindo ko malaman na dahilan. Na lab at pers sayt sila ni Don Juan at agad agad din na nagpakasal. Nagging hari ng berbanya si Don Juan, at nagcelebrate na nga ng kanyang 89th birthday si Haring Ferando. Samantalang si Don Pedro’t Don Diego naman ay nasa Berbanya pa din, kasi pinatawad din sila nina Haring Fernando. Pero pasiretong nagplaplano sila kung paano nila pababagsakin si Don Juan., ( shhhhh.) at dyan na nga nagtatapos ang aking bersyon ng Ibong Adarnang hindi ko lubus maisip kung anong ewan lang na kwenento.


The end

Chapter 6: pahabol ng mga karakter na hindi nabangit sa kwento ( nakakatamad na raw kasi)
Donya Maria Blanca: potik naman oh’ hindi ako yung pinaksalan ni Don Juan. Bitin yung istorya
Donya Leonora: haha. Bitter ka lang. okay nga yun eh’ hindi ako nakasal kay Don Pedro
Donya Juana: ako din hindi nakasal! Salamat!!
Haring Salermo: no koment
Higante ( bumihag kay donya Juana)  : ayos to! Wala ako sa kwento, hindi ako magmumukang kontrabida at Hindi ako mamatay.
Serpyenteng may pitong Ulo ( bumihag kay Donya Leonora) : RAKENROL!! Parehas tayo!

Ibong Adarna is an anonymous Filipino epic on the eponymous magical bird. The title's longer form during the Spanish Era was "Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlóng Prinsipeng anak nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania" (Filipino for "Corrido and Life Lived by the Three Princes, children of King Fernando and Queen Valeriana in the Kingdom of Berbania").
some references; kinas ( for the tree,) and to LittleBitzOfArt ( for the prince like wardrobe)
http://www.facebook.com/pages/Guhitkwentokulay/199527163424053 samahan nyo ang kabobohan ko sa peysbuk! At palike na rin sa iba nyong friends dun.

Mga tula,sulat at maiikling kwento  http://mattersmost.deviantart.com/gallery/30236256
( mag letra)

Mga tagpong, nagpapakadeep, kunyari in-love,sarap : sapakin!: http://mattersmost.deviantart.com/gallery/29116662
(love scene ekek)

tools = pcsc5 + mouse

2 komento:

  1. Hello. Gusto ko lang malaman kung saan niyo nakuha yung litrato na nasa taas? Video ba iyon? Maraming salamat po!

    TumugonBurahin
  2. Soccer Betting - What are the best sports to bet on?
    The first thing that you would expect to find at soccer 토토사이트 betting sites is their 화성 출장마사지 betting odds. 춘천 출장마사지 There are only 경상남도 출장마사지 so many options 밀양 출장마사지 at the

    TumugonBurahin